Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Setyembre 20, 2024 kina Haring Norodom Sihamoni ng Cambodia at kanyang ina at dating Queen na si Norodom Monineath Sihanouk, tinukoy ni Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, na ang Tsina at Cambodia ay matibay na magkaibigan na nagbabahagi ng kayamanan at kahirapan at nagtutulungan sa isa't isa.
Sinabi niya na sa pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at Haring Sihamoni, nakapasok sa makabagong panahon ng mataas na kalidad, mataas na lebel, at mataas na pamantayan ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng kapuwa bansa.
Kasama ng panig Kambodyano, nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap upang patuloy na maisakatuparan ang estratehikong napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, mapasulong pa ang estratehikong kooperasyong Sino-Kambodyano, at mabenepisyunan ng mas mabuti ang kanilang mga mamamayan.
Ipinaabot naman nina Sihamoni at Monineath ang mainit na pagbati sa ika-75 anibersaryo ng pagtatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Inihayag nila na iginigiit ng panig Kambodyano ang prinsipyong isang-Tsina at nakahandang palalimin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa iba’t-ibang larangan upang kapit-bisig na itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasang Kambodyano-Sino at ipagpatuloy ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sa hene-henerasyon.
Salin: Lito