Mga kalahok sa Silk Road International Cultural Expo, nanawagan para sa kooperasyon at diyalogo

2024-09-22 16:50:13  CMG
Share with:

 

Lumahok ang mahigit 800 kinatawan mula sa 50 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig, sa Ika-7 Silk Road (Dunhuang) International Cultural Expo, na idinaos kahapon at ngayong araw, Setyembre 21 at 22, 2024, sa Dunhuang, isang mahalagang lugar sa sinaunang Silk Road sa hilagang kanlurang Tsina.

 

Sa panahon ng ekspo, ginanap ang mga porum, eksibisyong kultural, at palabas na pansining, para ipakita ang kulturang Tsino at pasulungin ang diyalogo tungkol sa pandaigdigang kooperasyong pangkultura.

 

Sinabi ni Shahbaz Khan, Direktor ng tanggapang panrehiyon sa Silangang Asya ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), na nagiging mas mahalaga ang diyalogo sa pagitan ng mga silibisasyon, dahil kinakaharap ng daigdig ang mga hamon sa kapayapaan at sustenableng pag-unlad.

 

Ipinahayag naman ni Fernando Lugris, Embahador ng Uruguay sa Tsina, na dapat igiit ng lahat ng mga panig ang multilateralismo, para pangalagaan ang kapayapaan, kaunlaran, kasaganaan, at modernisasyon ng daigdig.


Editor: Liu Kai