Summit ng Hinaharap, binuksan sa punong himpilan ng UN

2024-09-23 15:49:46  CMG
Share with:

Idinaos, Setyembre 22,2024, sa New York, punong himpilan ng United Nations (UN), ang “Summit ng Hinaharap,” kung saan pinagtibay ang Kasunduan para sa Hinaharap.

 


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na dinaranas ngayon ng daigdig ang panahon ng kaguluhan at transisyon.

 

Dapat isagawa ng komunidad ng daigdig ang unang mapagpasyang hakbang tungo sa reporma ng internasyonal na kooperasyon para gawin itong mas konektado, pantay at inklusibo, dagdag niya.

 

Ang Kasunduan para sa Hinaharap ay sumasaklaw sa maraming temang kinabibilangan ng kapayapaan at seguridad, sustenableng pag-unlad, pagbabago ng klima, didyital na kooperasyon, karapatang pantao, at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio