Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jingping sa bagong Pangulo ng Sri Lanka

2024-09-23 15:54:57  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati ngayong araw, Setyembre 23, 2024 kay Anura Kumara Dissanayake kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng Sri Lanka, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, 67 taon na ang nakaraan, nananatiling matatag ang pag-uunawaan at pagkakatigan sa isa’t-isa ng dalawang bansa.

 

Napakahalaga aniya ang relasyon ng dalawang bansa.

 

Kasama ng bagong pangulo ng Sri Lanka, nakahanda siyang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, at pasulungin ang de-kalidad na konstruksyon ng kooperasyon ng Belt and Road.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio