Sa seremonya, Setyembre 22, 2024 sa Yangon, Myanmar, opisyal na ipinagkaloob ng Tsina sa nasabing bansa ang 40 set ng mga ilaw-kalye na umaandar sa lakas ng araw.
Ang proyekto ay itinaguyod ng Yunnan Provincial People's Association for Friendship with Foreign Countries ng Tsina.
Sapul noong 2022, 24 nang proyekto ng donasyon ang ipinatupad ng nasabing samahan sa Maynmar.
Layon ng mga ito na i-optimisa ang imprastruktura, paunlarin ang industriya ng manupaktura at teknolohiyang agrikultural, at pasulungin ang pagliligtas sa likas na kapahamakan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio