Lider ng Myanmar: Lubos na pinahahalagahan ang relasyon sa Tsina

2024-08-22 16:19:04  CMG
Share with:

Sa pagsumite ng mga kredensyal ni Ma Jia, bagong embahador ng Tsina sa Nay Pyi Taw, Myanmar, ipinahayag Agosto 21, 2024, ni Min Aung Hlaing, lider ng Myanmar, na lubos na pinahahalagahan ng Myanmar ang relasyon nito sa Tsina at nakatuon ito sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Myanmar at Tsina sa iba’t ibang larangan, pagpapalakas ng kanilang tradisyonal na ugnayang “Paukphaw,” at pagdudulot ng mga benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 


Sinabi naman ni Ma, na walang pag-aalinlangang itataguyod ng Tsina ang polisiyang palakaibigan nito sa Myanmar at malugod na tinatanggap ang Myanmar na palakasin ang koneksyon nito sa Tsina sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Myanmar. Umaasa rin aniya ang Tsina na ang Myanmar ay lilikha ng isang ligtas na kapaligiran para sa pagpapalitan at kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig.

 

Salin: Qiu Siyi

 

Pulido: Ramil