Espesyal na aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng PRC, idinaos sa Mexico

2024-09-24 15:39:39  CMG
Share with:

Mexico City, Mexico – Isang espesyal na aktibidad pangkultura ang ginanap, Setyembre 20, 2024 (lokal na oras) bilang pagdiriwang sa Ika-75 Anibersaryo ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).

 


Pinamagatang "Written in the Sky: My China Story," ang aktibidad ay itinaguyod ng China Media Group (CMG).

 

Sa kanyang na-video na talumpati, sinabi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay nagkaloob ng makabagong pagkakataong pangkaunlaran sa modernisasyon ng buong mundo, at lalo pang nakapagbukas ng bintana para sa pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng mga sibilisasyon.

 


Laging nagsisikap ang Tsina para palakasin ang pandaigdigang pagpapalitang tao-sa-tao, pasulungin ang diyalogo sa pagitan ng iba’t-ibang sibilisasyon, at palalimin ang mutuwal na pag-uunawaan, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio