Pagpapahupa ng situwasyon ng Israel at Lebanon, ipinanawagan ni Antonio Guterres

2024-09-24 15:25:53  CMG
Share with:

Ayon sa tagapagsalita, Setyembre 23, 2024 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), labis na na-alarma ang hepe ng UN kaugnay ng tumitinding situwasyon sa Blue Line -- isang buffer zone na naghihiwalay sa Israel at Lebanon -- at malaking bilang ng kasuwalti ng mga sibilyan, na kinabibilangan ng mga bata at babae.


Ipinanawagan pa ni Antonio Guterres ang agarang pagpapahupa ng situwasyon at lahat ng pagsisikap upang hanapin ang kalutasang diplomatiko.


Salin: Yan Shasha


Pulido: Rhio