Pagpapabilis ng progreso sa industriyang pangkalawakan ng Tsina, ipinanawagan ni Xi Jinping

2024-09-24 10:31:23  CMG
Share with:

Setyembre 23, 2024, Great Hall of the People, Beijing – Sa pakikipagtagpo sa mga representante ng mga siyentista’t inhinyerong pangkalawakan na kasangkot sa pananaliksik at pagpapaunlad ng Chang’e-6 lunar mission, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangan ang patuloy na pagsisikap para pabilisin ang pag-unlad ng usaping pangkalawakan ng bansa.

 


Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan, nakolekta aniya ng Chang’e-6 ang materyales mula sa malayong panig ng buwan.

 

Ito ay breakthrough sa mga masusing teknolohiya at mahalagang tagumpay sa paggagalugad pangkalawakan, siyensiya’t teknolohiya, at malakas na pag-unlad para sa proyekto ng eksplorasyon sa Buwan ng Tsina, dagdag niya.

 


Ani Xi, iginigiit ng programa ng eksplorasyon sa Buwan ng Tsina ang prinsipyo ng pantay at mutuwal na benepisyo, at mapayapang paggamit at win-win na kooperasyon.

 

Ang misyong ito ay para sa Tsina at sangkatauhan, saad ni Xi.

 

Sinabi rin niya na pasusulungin ng Tsina ang iba’t-ibang porma ng internasyonal na kooperasyong pangkalawakan at ibabahagi ang bunga ng pag-unlad sa ibang bansa para makinabang ang buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio