Nagtapos, Setyembre 23, 2024 sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York ang dalawang araw na “Summit ng Hinaharap.”
Ang summit ay isang pangunahing bahagi ng nagpapatuloy na Ika-79 na Pangkalahatang Asembleya ng UN (UNGA) na nakapokus sa multilateralismo’t panghinaharap na pamamahala sa mga pandaigdigang usapin.
Kaugnay nito, pinagtibay sa summit, Setyembre 22 ang “Pact for the Future” at mga kaagapay ng kasunduan -- ang “Global Digital Compact” at “Declaration on Future Generations.”
Ang Pact for the Future, ay sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga temang kinabibilangan ng kapayapaan at seguridad; pagpapanatili ng pag-unlad; pagbabago ng klima; didyital na kooperasyon; karapatang pantao, kasarian, kabataan at susunod na henerasyon; at pagbabago sa pandaigdigang pamamahala.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Rhio