Sa pulong ng Ika-57 Sesyon ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations (UN), mahigit 100 bansa ang sumuporta sa makatarungang paninindigan ng Tsina, sa iba’t-ibang porma, at tumutol sa pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao.
Sa kanyang talumpati sa ngalan ng nasa 80 bansang kinabibilangan ng Tsina, binigyan-diin ng Cuba, na ang mga suliranin ng Xinjiang, Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) at Xizang ay mga suliraning panloob ng Tsina, at tinututulan nito ang pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao.
Sa ngalan naman ng mga miyembro ng “Group of Friends on the Promotion and Protection of Human Rights through Dialogue and Cooperation,” nagtalumapti si Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN sa Geneva at ibang organisasyong pandaigdig sa Switzerland.
Aniya, ang Konseho sa Karapatang Pantao ng UN ay dapat gumanap ng papel para sa diyalogo at komunikasyon sa pagitan ng iba’t-ibang bansa para pasulungin ang kooperasyon.
Sa talumpati naman ng delegasyong Tsino, ibinahagi nito ang totoong kalagayan ng karapatang pantao sa Tsina, ibinunyag ang malubhang pagpinsala sa karapatang pantao na umiiral sa Amerika at ibang bansa, at hinimok ang lahat ng may kinalamang panig na gawin ang aktuwal na aksyon para mapangalagaan ang karapatang pantao.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio