Isinalaysay Martes, Hunyo 18, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Hunyo 13 hanggang 17, ginanap sa Tsina ang bagong round ng Diyalogo ng Tsina at Unyong Europeo (EU) sa Karapatang Pantao.
Aniya, komprehensibong inilahad ng panig Tsino ang landas ng pag-unlad, ideya at natamong bunga ng bansa sa karapatang pantao, at paninindigan sa pandaigdigang pangangasiwa sa karapatang pantao, at iniharap ang solemnang representasyon sa EU, kaugnay ng mga nilalaman hinggil sa Tsina sa taunang ulat ng EU hinggil sa pandaigdigang karapatang pantao at demokrasya sa 2023, at taunang ulat nitong may kinalaman sa Hong Kong at Macao.
Ipinagdiinan aniya ng panig Tsino na ang mga suliranin ng Xinjiang, Xizang at Hong Kong, at mga indibiduwal na kasong hudisyal ay purong suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi pinahihintulutan ang pakikialam dito ng puwersang panlabas.
Hiniling ng Tsina sa panig Europeo na totohanang igalang ang katotohanan at landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na sarilinang pinili ng mga mamamayang Tsino, at itigl ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng isyu ng karapatang pantao, dagdag niya.
Saad ni Lin, tinukoy rin ng panig Tsino ang mga malubhang problema sa karapatang pantao sa mga bansa ng EU na gaya ng pagtatanging panlahi, paglapastangan sa karapatan ng mga refugee at mandarayuhan, paghadlang sa kalayaan sa pagsasalita, kapootang panrelihiyon, kawalang katarungan sa hudikatura, karahasan sa mga kababaihan at iba pa, at hiniling sa panig Europeo na totohanang resolbahin ang mga problema.
Ayon kay Lin, sa panahon ng diyalogong ito, bumisita ang delegasyong Europeo sa Rehiyong Awtonomo ng Xizang ng Tsina, para malaman ang hinggil sa mga proyekto ng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, lahi’t relihiyon, edukasyon at kultura, at garantiya sa karapatang pantao at pangangasiwa alinsunod sa batas sa lokalidad.
Salin: Vera
Pulido: Ramil