Mahigit 100 bansa, muling naglabas ng suporta sa Tsina sa usapin ng karapatang pantao – MOFA

2024-09-26 13:51:34  CMG
Share with:

Inihayag, Setyembre 25, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa Ika-57 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva, Switzerland, Setyembre 24, bilang tugon sa pagtuligsa ng Estados Unidos at iba pang bansa sa kalagayan ng karapatang pantao sa Tsina, sa pamamagitan ng magkakasanib at magkakahiwalay na pahayag, mahigit 100 bansa ang naglabas ng suporta sa makatarungang posisyon ng Tsina, at tinutulan nila ang pagsasapulitika ng karapatang pantao sa iba't-ibang paraan.

 

Hinihimok ng Tsina ang Amerika, na malalim na pagnilayan at taimtim na tugunan ang sariling malubhang problema sa karapatang pantao tulad ng rasismo, karahasan sa baril, kawalang katarungan sa lipunan at paglabag sa mga karapatan ng mga mandarayuhan, mataimtim na pangalagaan ang karapatang pantao ng sariling mga mamamayan, itigil ang panghihimasok sa mga panloob na suliranin ng ibang bansa, at konstruktibong makilahok sa internasyonal na kooperasyon sa karapatang pantao, saad ni Lin.


Salin: Lei Bidan

Pulido: Rhio