Ipinahayag ni Liu Dejun, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG) na ayon sa pansamantalang kasunduan ng Tsina at Pilipinas, ipinadala Setyembre 26, 2024, ng Pilipinas ang isang sibilyang bapor na naghatid ng mga esensyal na suplay na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay sa BRP Siera Madre, na nakasadsad sa Ren’ai Jiao.
Kinumpirma aniya ng CCG ang misyon ng bapor Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanong, at isinagawa ang pagmo-monitor sa buong proseso.
Umaasa aniya ang Tsina na susunod sa pangako ang Pilipinas para makontrol ang kalagayang pandagat.
Alinsunod ng batas ng Tsina, patuloy na isasagawa ng CCG ang pagpapatupad ng batas sa Nansha Qundao, na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao, at mga katabing tubig nito, ani Liu.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio