Sa sidelines ng sesyon ng United Nations General Assembly, nagtagpo kahapon, Setyembre 27, 2024, sa New York, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Kalihim ng Estado Antony Blinken ng Amerika.
Sinabi ni Wang, na ang matatag na relasyong Sino-Amerikano ay makakabuti sa kapwa panig. Pinuna niya ang patakarang “dalawang mukha” ng Amerika na sinusugpo ang Tsina habang hinahanap ang diyalogo at kooperasyon sa bansa. Dapat igiit ng Amerika ang paggalang sa mga diyalogo, mutuwal na pakinabang sa mga kooperasyon, at maingat na paghawak ng mga pagkakaiba, dagdag niya.
Kaugnay naman ng isyu ng Taiwan, hinimok ni Wang ang Amerika, na sundin ang prinsipyong isang Tsina, at hayagang tutulan ang “pagsasarili ng Taiwan” at suportahan ang mapayapang reunipikasyon ng Tsina.
Kinondena rin ni Wang ang pagsasapulitika ng Amerika ng konseptong pambansang seguridad, at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pangangatwiran ng karapatang pantao.
Nang banggitin naman ang isyu ng South China Sea, inulit ni Wang ang pangako ng Tsina sa paglutas sa mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo sa pagitan ng mga panig na may direktang kaugnayan sa isyung ito, at hinimok niya ang Amerika na itigil ang pag-uudyok ng mga tensyon na makakapinsala sa kapayapaang panrehiyon.
Pagdating naman sa isyu ng Ukraine, tinukoy ni Wang, na walang makasariling intensyon ang Tsina sa isyung ito, at laging nagsisikap ang bansa para pasulungin ang diyalogo at kapayapaan. Dapat aniyang itigil ng Amerika ang pagdungis at pagpataw ng sangsyon sa Tsina sa pangangatwiran ng isyung ito, at huwag gamitin ang isyung ito para gawin ang konprontasyon ng mga kampo.
Samantala, kapwa kinumpirma nina Wang at Blinken, na tapat at substansyal ang kanilang pagtatagpong ito. Sinang-ayunan nilang patuloy na ipatupad ng Tsina at Amerika ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa kanilang pagtatagpo sa San Francisco, isagawa ang mga diyalogo at kooperasyon, at maayos na kontrulin ang mga pagkakaiba, para pasulungin ang matatag, malusog, at sustenableng relasyong Sino-Amerikano.
Editor: Liu Kai