Amerika, sumisira sa mga tuntunin ng WTO – sarbey ng CGTN

2024-09-15 13:26:22  CMG
Share with:

Ayon sa bagong ulat hinggil sa WTO Compliance ng Amerika, na inilabas kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC), nitong ilang taong nakalipas, tuluy-tuloy na pinatataas ng Amerika ang unilateral na sangsyon, madalas nagsasagawa ng diskriminasyon, at pinatataas ang mga hadlang na taripa, na nagdudulot ng hamon para sa multilateral na sistemang pangkalakalan.

 

Kaugnay nito, binatikos ng higit 90.5% ng repondiyente ng sarbey ng China Global Television Network (CGTN), isang institusyong pang-media na pag-aari ng pamahalaang Tsino, ang mga hakbang ng unilateralismo at proteksyong pangkalakalan ng pamahalaang Amerikano.

 

Naniniwala silang labag ang mga ito sa mga tuntunin ng WTO.

 

Ipinalalagay naman ng mahigit 91.5% ng respondiyente na malubhang nasira ng unilateral na sangsyon ng Amerika ang pandaigdigang kadena ng industriya at suplay.

 

Kasali sa nasabing sarbey ang mahigit 6,000 na respondiyente.

 

Inilabas ang sarbey sa platapormang Ingles, Espanyol, Pranses at Arabe ng CGTN.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio