Tsina, isinagawa ang regular na pagsasanay sa karagatan at himpapawid ng Huangyao Dao

2024-09-28 17:43:32  CMG
Share with:

 

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 28, 2024, ng Southern Theater Command ng People’s Liberation Army ng Tsina ang regular na pagsasanay sa karagatan at himpapawid ng Huangyao Dao para sa pagmamatyag, paunang babala, at pamamatrolya.

 

Ayon sa naturang command, di-mapapabulaanan ang soberanya ng Tsina sa Huangyao Dao at nakapaligid na karagatan nito.

 

Anito, nanggugulo sa South China Sea ang ilang bansa sa labas ng rehiyong ito, at lumilikha ng mga di-matatag na elemento. Bilang tugon, pinananatili ng mga tropa ng command ang lubos na pag-iingat, determinadong ipinagtatanggol ang soberanya, seguridad, at kapakanan at karapatang pandagat ng Tsina, at buong tatag na pinangangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, dagdag ng command na ito.


Editor: Liu Kai