Ika-3 di-pormal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Rusya, Pakistan at Iran sa isyu ng Afghanistan, dinaluhan ni Wang Yi

2024-09-29 10:52:09  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo, Setyembre 27, 2024 sa lunsod New York, Amerika sa Ika-3 di-pormal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Rusya, Pakistan at Iran, ipinahayag ni Ministrong Wang Yi Panlabas ng Tsina, na matatag ang pangkalahatang kalagayan ng Afghanistan nitong 3 taong nakalipas.

 

Magkasama aniyang hinarap ng 4 na bansa ang pagbabago ng kalagayan sa Afghanistan para mapatatag ang kabuhayan at lipunan ng bansa, mapabuti ang seguridad sa lokalidad, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Para sa Tsina, Rusya, Pakistan at Iran, ang katatagan at kasaganaan ng Afghanistan ay mahalaga para sa seguridad ng iba pang nakapaligid na bansa sa rehiyon, dagdag niya.

 

Napagkasunduan ng nasabing mga bansa ang paggigiit ng prinsipyo ng hindi-pakikialam sa suliraning panloob ng iba, pangangalaga ng pamahalaan ng Afghanistan sa karapatang pantao, magkasamang paglaban sa terorismo, at agarang rekonstruksyon ng Afghanistan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio