Kooperasyon sa balangkas ng GDI, dapat pasulungin – ministrong panlabas ng Tsina

2024-09-27 10:51:56  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang Global Development Initiative Supports the Global South -- China in Action, isang pagtitipon ang idinaos, Setyembre 25, 2024 sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York, na dinaluhan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.

 

Aniya, kasama ng iba’t-ibang panig, nakahandang palakasin ng Tsina ang kooperasyon sa balangkas ng Global Development Initiative (GDI).

 

Ito aniya ay para pabilisin ang pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN at ibahagi sa bawat bansa at tao ang bunga ng modernisasyon.

 

Sinabi ni Wang na ang GDI ay tumatayong plano ng Tsina para sa pagsasakatuparan ng 2030 agenda ng UN.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Philemon Yang, Presidente ng Ika-79 na Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng UN, na suportado ng mga bansa ang GDI, at ito rin ay mahalagang puwersa sa mabilis na pagsasakatuparan ng 2030 agenda ng UN, at nagbibigay-tulong sa mga “bansa ng timog.”


Dumalo rin sa aktibidad si Li Junhua, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN, at iba pang matataas na opisyal ng mahigit 20 bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio