Edukasyon sa pamamahayag, magkasamang palalakasin ng CMG at Renmin University ng Tsina

2024-09-30 12:21:39  CMG
Share with:


Isang estratehikong kasunduan ang nilagdaan kamakailan ng China Media Group (CMG) at Renmin University ng Tsina (RUC), para magkatuwang na paunlarin ang “Eskuwela ng Pamamahayag” sa Tsina.

 

Nakapokus sa paggamit ng sariling bentahe, layon nitong palakasin ang pagsasanay ng mga talento, paunlarin ang mga think-tank, at lumikha ng mga inobatibong plataporma sa pamamahayag.

 

Patitibayin din ng kasunduan ang pundasyon sa kaalaman ng mga talento, tungo sa mainam na pagpapalaganap ng mga balita; at bubuo ng isang primera-klaseng plataporma ng pamamahayag na kilalanin sa buong mundo.

 

Inaasahang patataasin ng kasunduan ang edukasyon sa komunikasyon at pagbabalita ng Tsina, at magpapalakas sa kulutral na “soft power” ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio