China International Intelligent Communication Forum, idinaos

2024-09-27 10:57:27  CMG
Share with:

Sa ilalim ng magkasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at pamahalaan ng lalawigang Jiangsu, gawing silangan ng Tsina, idinaos, Setyembre 26, 2024 sa lunsod Wuxi ng nasabing lalawigan ang 2024 China International Intelligent Communication Forum.

 

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, na nitong ilang taong nakalipas, maraming karanasan ang nakuha ng CMG at ito’y nagbunga ng intelihenteng komunikasyon.

 

Sa susunod na yugto, masikap aniyang pasusulungin ng CMG ang pag-unlad ng mga may kinalamang teknolohiya at gagawin ang mas maraming magandang programa.

 

Dumalo sa porum ang mga opisyal ng mga may kinalamang ministri, dalubhasa, at mga kinatawan ng media at bahay-kalakal sa loob at labas ng bansa.


Salin: Ernest

Pulido: rhio