Estratehikong kooperasyon, narating ng CMG at lalawigang Jiangsu ng Tsina

2024-09-26 16:44:37  CMG
Share with:

Setyembre 25, 2024 sa lunsod Nanjing, lalawigang Jiangsu, gawing silangan ng Tsina – Nilagdaan ng China Media Group (CMG) at pamahalaan ng Jiangsu ang dokumento ng estratehikong kooperasyon.

 

Kaugnay nito, sinabi Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na mahalagang plataporma ang CMG sa pagpo-promote ng mga tatak ng Tsina sa pamilihang pandaigdig.

 

Sa pamamagitan ng nasabing kooperasyon, maipapakita aniya sa daigdig  ang magagandang tanawin, produkto’t kultura ng Jiangsu.

 

Sa parehong araw, sinimulan din ang magkasanib na pagkokober ng CMG at mga lokal na media ng Jiangsu para i-ulat ang modernisadong konstruksyon ng lalawigan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio