Espesyal na aktibidad bilang pagdiriwang sa Ika-75 Anibersaryo ng PRC, idinaos sa Canberra

2024-09-24 15:53:16  CMG
Share with:

Ginanap, Setyembre 23, 2024 (lokal na oras) sa Canberra, Australya ang espesyal na aktibidad pangkultura bilang pagdiriwang sa Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).

 


Pinamagatang "Written in the Sky: My China Story," ang aktibidad ay itinaguyod ng China Media Group (CMG).

 

Sa kanyang naka-video na talumpati, sinabi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay nagkaloob ng makabagong pagkakataong pangkaunlaran sa modernisasyon ng buong mundo, at lalo pang nagbukas ng bintana para sa pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng mga sibilisasyon.

 

Laging nagsisikap ang Tsina para palakasin ang pandaigdigang pagpapalitang tao-sa-tao, pasulungin ang diyalogo sa pagitan ng iba’t-ibang sibilisasyon, at palalimin ang mutuwal na pag-uunawaan, dagdag niya.

 


Kasali sa aktibidad ang mga personaheng kinabibilangan nina Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Australia; Andrew Hogg, Tourism Australia Executive General Manager, Eastern Markets & Aviation; Carol Keil, Presidente ng ACT Branch ng Australia China Friendship Society; Mark Bacon, dating CEO ng Australia China Business Council Tasmania; at Nicholas Stuart, Columnist ng Canberra Times at dating Indochina Correspondent ng ABC.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio