Setyembre 29, 2024, Kathmandu, Nepal – Inihayag ng pamahalaang Nepali, na umabot na, sa 170 katao ang namatay dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa, dulot ng patuloy na pag-ulan sa bansa.
Ayon naman sa pahayag ng Ministry of Home Affairs, 111 katao ang naitalang sugatan, at 42 iba ang nawawala.
Sa parehong araw, inihayag din ng Ministry of Energy, Water Resources and Irrigation ng bansa, na nasa $US32.6 milyon ang halaga ng paunang estima ng pinsala sa mga hydropower plant at pasilidad ng patubig.
Naputol din anito ang suplay ng kuryente sa maraming bahagi ng Nepal dahil sa pagkasira ng mga hydropower station at linya ng kuryente.
Salin: Lei Bidan
Pulido: Rhio