Pangalawang Pangulo ng Tsina, kintagpo ng Pangulo ng Rusya

2024-09-05 15:44:02  CMG
Share with:

Kinatagpo, Setyembre 4, 2024, sa Vladivostok ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya si Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina.

 

Sinabi ni Han, na mataas ang pagpapahalaga ng kanyang bansa sa papel at impluwensya ng Eastern Economic Forum (EEF).

 

Aktibo aniyang sumusuporta ang Tsina sa kooperasyon para sa pag-unlad ng malayong rehiyon ng Rusya.

 

Nais ng Tsina na ibahagi ang mga pagkakataon sa pag-unlad kasama ang Rusya, at lumikha ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, upang isulong ang magkasanib na pag-unlad at pagyabong, dagdag ni Han.

 

Inihayag naman ni Putin ang malugod na pagtanggap kay Han sa kanyang pagdalo sa Ika-9 na EEF.

 

Aniya, nasa pinakamabuting yugto sa kasaysayan ang relasyon ng Rusya at Tsina, at mataas ang pagpapahalaga ng Rusya sa kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kalakalan, kultura, at pagpapa-unlad ng mga rehiyon.

 

Umaasa si Putin na makakahanap ng mas maraming bagong pagkakataon sa pag-unlad kasama ang Tsina.


Salin: Tala


Pulido: Rhio