Mga dayuhang lider, bumati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC

2024-10-02 12:59:25  CMG
Share with:

 

Nitong ilang araw na nakalipas, ipinadala ng mga lider ng Rusya, Hilagang Korea, Biyetnam, Laos, Cuba, Kazakhstan, Belarus, Egypt, Saudi Arabia, Syria, Serbia, Hungary, Alemanay, Italya, Switzerland, at iba pa, ang mga mensahe kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang pagbati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).

 

Binigyan ng mga lider ng mataas na pagtasa ang mga natamong bunga ng Tsina sa iba’t ibang aspekto.

 

Ipinahayag din nila ang kahandaang patuloy na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina, para magkasamang lumikha ng masagana at maunlad na kinabukasan.


Editor: Liu Kai