Espesyal na aktibidad para sa Ika-75 Anibersaryo ng PRC, idinaos sa Ottawa

2024-09-30 16:00:14  CMG
Share with:

Sa magkasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at Embahadang Tsino sa Kanada, ginanap, Setyembre 25, 2024 (lokal na oras) sa lunsod Ottawa, ang espesyal na aktibidad pangkultura bilang pagdiriwang sa Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).

 


Pinamagatang "Written in the Sky: My China Story," ibinahagi rito ng maraming personahe sa buong daigdig ang kanilang kuwento hinggil sa Tsina.

 

Sa kanyang naka-video na talumpati, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, na mahigit 1,600 kuwento na, ang naibinahagi ng mga kaibigan mula sa mahigit 60 bansa.

 

Aniya, ipinagkaloob ng ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang bagong pagkakataon ng pag-unlad para sa modernisasyon ng buong daigdig.

 

Kaugnay nito, patuloy na magsisikap ang CMG para palakasin ang pandaigdigang pagpapalitang kultural, pasulungin ang diyalogo ng sibilisasyon ng mundo, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio