Pangulong Pranses: Dapat itigil ang pagkakaloob ng mga sandata sa Israel para sa mga operasyong militar nito sa Gaza Strip

2024-10-06 18:21:17  CMG
Share with:

 

Sa isang panayam sa radyong publiko ng Pransya na ini-ere kahapon, Oktubre 5, 2024, sinabi ni Pangulong Emmanuel Macron ng bansang ito, na dapat itigil ang pagkakaloob ng mga sandata sa Israel para sa mga operasyong militar nito sa Gaza Strip.

 

Dagdag niya, hindi kailanmang ipinagkakaloob ng Pransya sa Israel ang ganitong uri ng mga sandata.

 

Sinabi rin ni Macron, na ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay pagbalik sa solusyong pulitikal para sa sagupaan ng Israel at Palestina.

 

Ayon naman sa ulat, sapul nang sumiklab noong Oktubre ng nagdaang taon ang kasalukuyang sagupaan ng Israel at Palestina, tuluy-tuloy na ipinagkakaloob ng Amerika sa Israel ang mga suportang militar at diplomatiko.

 

Noong Mayo ng taong ito, sinabi minsan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa isang ulat, na makatwiran ang paggamit ng Israel ng mga sandatang ibinigay ng Amerika sa mga aksyon nito labag sa pandaigdig na batas sa humanitaryan.


Editor: Liu Kai