Pangulong Amerikano, bumati kay Xi para sa 75 anibersaryo ng PRC

2024-10-06 18:19:32  CMG
Share with:

Kinumpirma kahapon, Oktubre 5, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinadala kamakailan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang mensahe kay Pangulong Xi Jinping bilang pagbati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).

 

Ayon sa naturang ministri, sinabi ni Biden, na habang ipinagdiriwang ang ika-75 anibersaryo ng PRC, iniabot niya, sa ngalan ng mga mamamayang Amerikano, ang pagbati kay Xi at mga mamamayang Tsino. Ipinahayag din ni Biden ang pinakamabuting hangarin niya at ng mga mamamayang Amerikano kay Xi at mga mamamayang Tsino.


Editor: Liu Kai