Ipinadala ngayong araw, Oktubre 6, 2024, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Presidente ng mga Suliranin ng Estado Kim Jong Un ng Hilagang Korea ang mensahe sa isa’t isa bilang pagbati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa mensahe, sinabi ni Xi, na nitong 75 taong nakalipas, dumaan ang pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Korea sa mga pagsubok ng pagbabago ng panahon at kalagayang pandaigdig, at ito ay naging mahalagang komong yaman ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Binigyang-diin din niyang, sa ilalim ng bagong kalagayan sa bagong panahon, nakahanda ang Tsina, kasama ng Hilagang Korea, na samantalahin ang pagkakataon ng ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, para palakasin ang estratehikong pag-uugnayan at pagkokoordinahan, palalimin ang matalik na pagpapalitan at pagtutulungan, patuloy na isulat ang bagong kabanata ng pagkakaibigan, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Kim, na ang pagpapatuloy at pagpapaunlad ng matagal at tradisyonal na pagkakaibigan ng Hilagang Korea at Tsina ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa.
Dagdag niya, batay sa mga kahilingan sa bagong panahon, patuloy na gagawin ng partido at pamahalaan ng Hilagang Korea ang pagsisikap para palalimin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina.
Editor: Liu Kai