Demonstrasyon laban sa digmaan sa Gitnang Silangan, idinaos sa maraming lugar ng daigdig

2024-10-07 18:20:01  CMG
Share with:

 

Sa okasyon ng unang anibersaryo ng pagsiklab ng kasalukuyang sagupaan sa pagitan ng Israel at Palestina, idinaos nitong nakalipas na dalawang araw ang demonstrasyon laban sa digmaan sa maraming lugar ng daigdig, na gaya ng New York City at Washington D.C. ng Amerika, Paris ng Pransya, Rome ng Italya, Berlin ng Alemanya, London ng Britanya, Manila ng Pilipinas, Jakarta ng Indonesya, Cape Town ng Timog Aprika, at iba pa.

 

Hiniling ng mga nagprotesta na agarang bigyang-wakas ang digmaan sa Gaza at mas malawak na lugar sa Gitnang Silangan, at itigil ang pagsuporta sa Israel sa paglulunsad ng mga atake.

 

Sinimulan ang kasalukuyang digmaan sa Gaza, pagkaraang umatake noong Oktubre 7, 2023, ang mga militante ng Palestinian Hamas sa katimugan ng Israel, pumatay ng 1,200 katao at kumuha ng halos 250 hostage, ayon sa estadistika ng panig Israeli.

 

Ang kasunod na operasyong militar ng Israel sa Gaza ay pumatay ng halos 42,000 Palestino, ayon sa ministri ng kalusugan ng Gaza. Nagdulot din ito ng grabeng pagkasira sa lugar, paglikas ng halos 2.3 milyong tao, at krisis ng pagkagutom.


Editor: Liu Kai