Bilang ng mga pasahero sa daambakal sa Tsina sa Oktubre 7, tinatayang lumampas sa 19.8 milyon

2024-10-07 18:18:05  CMG
Share with:

 

Ngayong araw, Oktubre 7, 2024, ay huling araw ng “ginintuang linggo” ng bakasyon para sa Pambansang Araw ng Tsina.

 

Ayon sa China Railway, ang bilang ng mga pasaherong sakay ng daambakal ngayong araw ay may pag-asang lalampas sa 19.8 milyon. Ang mga pasahero ay kinabibilangan pangunahin na ng mga taong bumalik sa tahanan pagkaraan ng pamamasyal sa ibang lugar o pagbisita sa mga kamag-anakan sa probinsya, at mga estudyante ng pamantasan na bumalik sa kampus pagkatapos ng bakasyon.

 

Ayon naman sa estadistika, inihatid kahapon ng mga daambakal sa buong Tsina ang mahigit sa 18.5 milyong pasahero, at sa unang limang araw ng bakasyon, pawang lumampas sa 17 milyon ang bilang ng mga pasahero sa daambakal bawat araw. Ang mga bilang na ito ay nasa mataas na lebel sa kasaysayan ng bakasyon para sa Pambansang Araw ng Tsina.


Editor: Liu Kai