Tsina, kumokondena sa teroristikong pag-atake sa Pakistan na ikinamatay ng dalawang Tsino

2024-10-07 18:15:58  CMG
Share with:

 

Mariing kinondena ngayong araw, Oktubre 7, 2024, ng Embahada ng Tsina sa Pakistan, ang teroristikong pag-atake kagabi sa Karachi, na ikinamatay ng dalawang Tsino, ikinasugat ng isang iba pa, at nagdulot naman ng kasuwalti ng ilang Pakistani.

 

Ayon sa pahayag ng naturang embahada, sa insidenteng itong naganap malapit sa Jinnah International Airport ng Karachi, inatake ang isang kumboy na may lulang mga empleyadong Tsino ng Port Qasim Electric Power Company.

 

Anang pahayag, mariing kinokondena ng embahada at mga konsulada heneral ng Tsina sa Pakistan ang naturang teroristikong pag-atake, ipinahayag ang pakikidalamhati sa mga nasawi ng kapwa bansa at ang pakikiramay sa mga nasugatan at kani-kanilang pamilya, at hinahawak kasama ng panig Pakistani ang mga suliranin pagkaraan ng insidente.

 

Dagdag ng pahayag, hiniling ng panig Tsino sa panig Pakistani na buong lakas na bigyang-lunas ang mga nasugatan, lubusang siyasatin ang insidente, buong higpit na parusahan ang mga maykagagawan, at agarang isagawa ang mga mabisang hakbangin para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan, organo, at proyektong Tsino sa Pakistan.

 

Ayon pa rin sa pahayag, kailangang panatilihin ng mga mamamayan, organo, at proyektong Tsino sa Pakistan ang lubos na pag-ingat, subaybayan ang lokal na kalagayang panseguridad, at palakasin ang mga hakbanging panseguridad.

 

Sa isang may kinalamang ulat, sa pamamagitan ng pahayag sa social media, inangkin ng ipinagbabawal na Balochistan Liberation Army ang responsibilidad sa naturang pag-atake. Pero, hindi pa nakukumpirma ito ng awtoridad ng Pakistan.


Editor: Liu Kai