Naganap Agosto 26, 2024 sa lalawigang Balochistan, Pakistan ang ilang mga insidente ng teroristikong atake na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 53 katao, kabilang ang mga sibilyan, mga tauhang panseguridad at 21 armadong tauhan.
Sinabi ng mga lokal na opisyal na sinira ng mga armadong grupo ang mga pasilidad ng transportasyon at medikal sa iba't ibang bahagi ng lalawigan at inatake ang mga ahensyang militar at pulisya.
Inangkin ng teroristang grupong "Balochistan Liberation Army" ang responsibilidad sa mga nasabing pag-atake.
Ipinalabas nang araw ring iyon ni Punong Ministro Shehbaz Sharif ng Pakistan ang pahayag kung saan mariing kinokondena ang mga pag-atake at inutusan ang mga kaugnay na ahensya na agarang kumilos upang bigyang-dagok ang terorismo.
Salin: Shi Weiyang
Pulido: Ramil