Kampanya ng Pakistan laban sa terorismo, patuloy na susuportahan ng Tsina

2024-10-08 15:21:49  CMG
Share with:


Bilang tugon sa teroristikong pag-atake sa komboy na naglululan ng mga empleyadong Tsino ng Port Qasim Electric Power Company, inihayag Oktubre 7, 2024 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) ang mariing kondemnasyon, malalimang pagdadalamhati, at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima.

 

Anang tagapagsalitang Tsino, pinasimulan kaagad ng MOFA at Pasuguan ng Tsina sa Pakistan ang pangkagipitang mga hakbangin.

 

Hiniling na rin aniya ng panig Tsino sa panig Pakistani na bigyang-lunas ang mga nasugatan, lubusang siyasatin ang insidente, mahigpit na parusahan ang mga may kagagawan, at agarang isagawa ang mga mabisang hakbangin para tiyakin ang kaligtasan ng China-Pakistan Economic Corridor (CPEC) at mga mamamayan, organo’t proyektong Tsino sa Pakistan.

 

Muli rin aniyang ipina-alala ng Pasuguang Tsino sa mga mamamayan, organo, at proyektong Tsino sa Pakistan na mahigpit na subaybayan ang lokal na kalagayang panseguridad, at palakasin ang mga hakbanging panseguridad.

 

Saad ng tagapagsalita, ang terorismo ay komong kaaway ng buong sangkatauhan, at mabibigo ang tangka ng mga teroristikong puwersa sa pagsira sa may pagtitiwalaaang kooperasyon ng Tsina at Pakistan at konstruksyon ng CPEC.

 

Patuloy aniyang susuportahan ng panig Tsino ang pagpapasulong ng panig Pakistani ng kampanya laban sa terorismo.

 

Magkapit-bisig na magpupunyagi ang Tsina at Pakistan, para biguin ang lahat ng mga tangkang sisira sa relasyong Sino-Pakistani, diin niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio