Ayon sa Ministri ng Seguridad Pampubliko ng Tsina, higit 13.5 milyong tawid-hanggahang biyahe ang naitala sa hanggahan ng Chinese mainland sa panahon ng bakasyon ng Pambansang Araw mula noong Oktubre 1 hanggang 7.
Samantala, magkahiwalay na bumaba ng 5.7% at 20.4% ang mga krimen at insidente ng seguridad pampubliko sa Chinese mainland kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Dagdag ng ministri, umabot sa 580,000 ang karaniwang bilang ng mga pulis at auxiliary police officer na nagtrabaho araw-araw sa bakasyon, para proteksyunan ang mga manlalakbay at iwasan ang mga banta ng seguridad pampubliko.
Salin: Vera
Pulido: Rhio