Turista sa Beijing noong pambansang bakasyon, bagong rekord

2024-10-08 14:52:54  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ng Beijing Municipal Bureau of Culture and Tourism (BMBCT), Oktubre 7, 2024, umabot sa halos 21.6 milyong turista ang tinanggap ng lunsod sa panahon ng katatapos na pambansang bakasyon (Oktubre 1 hanggang 7).

 

Ito ay mas malaki ng higit sa 18.3% kaysa parehong panahon ng tinalikdang taon.

 

Samantala, ang kabuuang kita ay umakyat naman sa higit 26.8 bilyong yuan Renminbi – higit 11.6% mas mataas kaysa noong nakaraang taon.

 

Ang naturang mga datos ay bagong rekord sa kasaysayan, anang tanggapan.

 

Ayon pa sa BMBCT, 2,071 komersyal na pagtatanghal ang idinaos sa Beijing, na tumaas ng 14% kumpara noong nakaraang taon.

 

Bukod dito, inorganisa ng mga pampublikong institusyong pangkultura sa lahat ng antas ng lunsod ang 855 aktibidad, tulad ng mga eksibisyon, mga lektura sa kultura, mga aktibidad sa pagbabasa, pagsasanay sa sining, at mga karanasan sa pamanang pangkultura.

 

Nakilahok dito ang 446,900 katao.

 

Salin: Lei Bidan

Pulido: Rhio