Ipinahayag, Oktubre 8, 2024 ni Liu Dejun, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), ang dalawang bapor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Pilipinas na may mumerong 3001 at 3002 ang iligal na pumasok sa katubigan ng Huangyan Dao ng Tsina.
Dahil dito, isinagawa ani Liu ng bapor ng CCG ang pagmamatyag at pangangasiwa sa mga bapor ng Pilipinas batay sa batas ng Tsina.
Ang mga aksyon ng panig Tsino ay propesyonal, istandardisado at makatarungan, dagdag niya.
Aniya, may di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa Huangyan Dao at katubigan sa paligid nito, at patuloy na isasagawa ng CCG ang pagpapatupad ng batas sa katubigan na nasa hurisdiksyon ng Tsina para pangalagaan ang soberanya, teritoryo at karapatang pandagat ng bansa.
Hinimok niya ang panig Pilipino na agarang itigil ang panghihimasok sa South China Sea (SCS).
Salin: Ernest
Pulido: Rhio