Xi Jinping, ini-enkorahe ang Red Cross ng Tsina na pabutihin ang makataong serbisyo

2024-10-09 18:05:19  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe sa Ika-12 Pambansang Kongreso ng Red Cross Society of China (RCSC) na binuksan ngayong araw, Oktubre 9, 2024, sa Beijing, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pangungumusta sa mga manggagawa, miyembro, at boluntaryo ng RCSC.

 

Umaasa rin aniya siyang, palalakasin ng RCSC ang kakayahan sa pagkakaloob ng makataong serbisyo, aktibong lalahukan at susuportahan ang pandaigdigang usaping humanitaryan, at ibibigay ang mas malaking ambag para sa modernisasyon ng Tsina, pagbangon ng nasyong Tsino, at kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.


Editor: Liu Kai