Inihayag, Oktubre 10, 2024, ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na layon ng panig Tsino na pabutihin ang estratehikong pagtitiwalaan ng Tsina’t Kambodya, palakasin ang pagtutulungan tungo sa pagpapatupad ng bagong Plano ng Aksyon para sa komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina’t Kambodya, at pabilisin ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina sa "Five-Year Development Strategy" ng Kambodya.
Aktibong isusulong ang pagtutulungan sa mga proyektong tulad ng "Industrial Development Corridor" at "Fish-Rice Corridor," upang mas mahusay na makamit ang magkasamang pakinabang, dagdag niya.
Nais din aniyang patatagin ng Tsina ang multilateral na koordinasyon sa Kambodya upang mapanatili ang komong estratehikong kapakakan ng kapuwa bansa.
Sinabi naman ni Hun Manet, na nais niyang ipatupad ang balangkas ng kooperasyon ng "Diamond Hexagon" sa pagitan ng Kambodya at Tsina, palalimin ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan, at isulong ang pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.
Salin: Yan Shasha
Pulido: Rhio