Sa pulong, Oktubre 10, 2024, sa Vientiane, Laos, nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Paetongtarn Shinawatra ng Thailand, sinabi ng panig Tsino, na handa itong makipagtulungan sa panig Thai upang higit pang maisulong ang tradisyonal na pagkakaibigan; mapalakas ang pagkakahanay ng mga estratehiya ng pag-unlad at mapabilis ang konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng dalawang bansa; maitaguyod ang pinagsamang pag-unlad ng mga industriya; mapalalim ang kooperasyon sa didyital na ekonomiya, bagong enerhiya, at iba pang larangan; at mapalakas ang pagpapalitang tao-sa-tao’t kultural.
Ito aniya ay upang gawing mas kongkreto ang pagbuo ng isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Thailand, at magdulot ng higit na benepisyo sa mga Tsino at Thai.
Ayon naman kay Shinawatra, handa ang Thailand na panatilihin ang mataas na antas na pakikipagpalitan sa Tsina, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, palakasin ang multilateral na koordinasyon, at itulak ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Thailand at Tsina.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Rhio