Sa kanyang talumpati, Oktubre 11, 2024, sa Ika-19 East Asia Summit (EAS) sa Vientiane, Laos, inilahad ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang 3-puntong mungkahi hinggil sa kooperasyon ng rehiyon, at kabilang dito ay: pagpapanatili ng kapayapaan at katiwasayan, paghahanap ng mutuwal na benepisyo’t kapuwa panalong resulta, at matatag na pagpapasulong sa pagbubukas sa labas’t kooperasyon tungo sa paglikha ng mas maliwanag na kinabukasan para sa Silangang Asya at buong daigdig.
Si Premyer Li Qiang ng Tsina sa Ika-19 East Asia Summit (EAS) sa Vientiane, Laos (photo from Xinhua)
Ani Li, hindi matatamo ang rehiyonal na kaunlaran at kasaganaan kung walang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Hinggil dito, sinabi niyang, sa mula’t mula pa’y sinusundan ng Tsina ang mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Iginigiit ng Tsina ang paglutas ng pagkakaiba sa mga kinauukulang bansa sa pamamagitan ng diyalogo’t konsultasyon, at aktibong isinasagawa ang pratikal na kooperasyon sa dagat, dagdag ni Li.
Aktibo aniyang pinapasulong ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang konsultasyon sa Code of Conduct in the South China Sea (COC) tungo sa pagtatamo ng konklusyon sa lalo madaling panahon.
Kailangang igalang at suportahan ng mga bansa sa labas ng rehiyong ito ang pagsisikap ng Tsina at mga rehiyonal na bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan, at dapat din silang gumanap ng konstruktibong papel sa rehiyonal na kapayapaan at katatagan, ani Li.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio