Sa pagtatagpo, Oktubre 11, 2024, sa Vientiane, Laos, nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Thongloun Sisoulith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Setnral ng Lao People's Revolutionary Party at Pangulo ng bansa, sinabi ni Li, na kasama ng Laos, magsisikap ng Tsina para itatag ang dekalidad na komunidad nga may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, at mataas na lebel ng kooperasyon para idulot ang mas maraming benepisyo para sa mga Tsino at Laosiyano.
Chinese Premier Li Qiang (L) meets with General Secretary of the Lao People's Revolutionary Party Central Committee and Lao President Thongloun Sisoulith in Vientiane, Laos, October 11, 2024.(photo from Xinhua)
Ani Li, kailangang pabilisin ng kapuwang panig ang implementasyon ng bagong plano ng aksyon tungo sa pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos para patuloy na pasulungin ang estratehikong pagkakalinya sa pagitan ng Belt and Road Initiative (BRI) at plano ng transpormasyon ng Laos mula landlocked tungo sa land-linked na bansa.
Dapat aniyang palakasin ang praktikal na kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, kapasidad sa produksyon, kuryente, mineral, at iba pa, at nanawagan din siya para sa higit pang pagtuklas ng potensyal, ganap na paggamit ng epekto ng China-Laos Railway, at pagsusulong ng mas nakikitang resulta ng pangkalahatang kooperasyon.
Samantala, sinabi naman ng lider ng Laos, na lalo pang palalakasin ng kanyang bansa ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mataas na lebel, i-a-ayon ang pambansang estratehiya ng pag-unlad ng Laos sa BRI, pasusulungin ang kooperasyon sa mga masusing larangang tulad ng Laos-China Railway, palalalimin ang pagpapalitan ng kultura’t tao-sa-tao, at pasusulungin ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Laos at Tsina sa mas mataas na lebel upang makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio