9 na kompanyang Amerikano, papatawan ng ganting hakbangin ng Tsina kaugnay ng pagbebenta ng sandata sa Taiwan

2024-09-18 16:50:59  CMG
Share with:

Inilabas, Setyembre 18, 2024 ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kapasiyahan hinggil sa pagpapataw ng ganting hakbangin sa mga kompanya ng industriyang militar ng Amerika.

 

Muling inanunsyo kamakailan ng Amerika ang pagbebenta ng mga sandata sa rehiyon ng Taiwan ng Tsina, bagay na malubhang lumalabag sa prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, grabeng nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at malubhang nakakapinsala sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.

 

Alinsunod sa mga batas, ipinasiya ng panig Tsino na ipataw ang ganting hakbangin sa 9 na kompanya ng industriyang militar ng Amerika na kinabibilangan ng Sierra Nevada Corporation, ayon sa ministri.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio