Sa pangkalahatang debatehan ng Ika-79 Sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA), Setyembre 28, 2024, punong himpilan ng UN sa New York, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang paninindigan ng bansa sa isyu ng Taiwan.
Aniya, ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina, at ito ay kasaysayan, at katotohanan.
Saad ni Wang, matatandaang noong nagdaang 53 taon, pinagtibay ng Ika-26 na Sesyon ng UNGA ang resolusyon bilang 2758, kung saan ipinasyang panumbalikin ang lahat ng mga karapatan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa UN, kilalanin ang kinatawan ng pamahalaan ng PRC bilang siyang tanging lehitimong kinatawan ng Tsina sa UN, at palayasin ang kinatawan ng rehiyon ng Taiwan sa UN at lahat ng mga organo nito.
Niresolba aniya ng nasabing resolusyon ang isyu ng representasyon ng buong Tsina na kinabibilangan ng Taiwan, at nilinaw ang katotohanang walang “dalawang Tsina” o “isang Tsina, isang Taiwan.”
Diin ni Wang, walang “grey area” o espasyong alanganin sa nasabing isyung pamprinsipyo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio