Pangulong Tsino at mataas na opisyal ng Biyetnam, nagtagpo

2024-10-12 10:30:04  CMG
Share with:

Sa pakikipagkita, Oktubre 11, 2024 sa Beijing ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, kay Luong Cuong, Miyembro ng Pulitburo at Pirmihang Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), tinukoy niyang nasa priyordad ng diplomasya ng Tsina ang Biyetnam.

 

Kailangan aniyang palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan ng ideya sa teorya, karanasan sa pangangasiwa ng partido’t estado, pasulungin ang kooperasyong may kapuwa panalong situwasyon, at palalimin ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga Tsino at Biyetnames, para mailatag ang matibay na pundasyong panlipunan tungo sa pangmatalagang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Dagdag niya, ang ibayong pagpapalalim ng Tsina sa reporma at pagpapasulong ng de-kalidad na pagbubukas sa labas ay hindi lamang nagpapalawak ng prospek ng sariling kinabukasan, kundi nagdudulot din ng bagong puwersa’t pagkakataon para sa pag-unlad ng ibang mga bansa sa daigdig na gaya ng Biyetnam.

 

Samantala, inihayag ng panig Biyetnames ang pagbati sa ika-75 anibersaryo ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), at sinabing palaging pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapasulong ng relasyon sa Tsina.

 

Kasama ng Tsina, nais aniya ng Biyetnam, na pabutihin ang relasyon sa pagitan ng dalawang partido’t bansa, pasulungin ang kooperasyon at pagpapalagayan sa iba’t ibang larangan, at mas maayos na hawakan at kontrolin ang mga pagkakaiba.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio