Katugong hakbang, isinagawa sa harap ng probokasyon ng puwersa ng “pagsasarili ng Taiwan”

2024-10-14 18:14:09  CMG
Share with:

Kaugnay ng militar na pagsasanay na tinaguriang “Joint Sword-2024B,”  ipinahayag Oktubre 14, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang “pagsasarili ng Taiwan” ay makakapinsala sa kapayapaan ng rehiyong ito, at dahil sa mga probokatibong aksyon ng puwersang naghahangad ng “pagsasarili ng Taiwan,” isinagawa ng Chinese mainland ang mga katugong hakbang.

 

Aniya, sa mula’t mula pa’y, nagsisikap ang Tsina para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

 

Ang Tawian ay bahagi ng Tsina, ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi pinapayagan ang anumang panghihimasok ng mga puwersang panlabas.

 

Dapat sundin ng Amerika ang prinsipyong isang-Tsina at Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, aktuwal na isakatuparan ang pangako ng lider ng Amerika na hindi susuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan,” at itigil ang paglalabas ng maling senyal sa puwersa ng “pagsasarili ng Taiwan, ” saad ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio