Pagpapatrolya ng CCG sa paligid ng islang Taiwan, sinimulan

2024-10-14 09:50:11  CMG
Share with:


Ipinahayag ni Liu Dejun, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na nagsimula nang magpatrolya ngayong araw, Oktubre 14, 2024, ang apat na pormasyon ng mga barko ng CCG sa katubigan sa paligid ng islang Taiwan ng bansa. 


Kabilang sa mga ito ay pormasyon bilang 2901, 1305, 1303, at 2102.


Aniya, ang naturang pagpapatrolya ay praktikal na aksyon para ipatupad ang pagkontrol sa islang Taiwan, ayon sa batas, at alinsunod sa prinsipyong isang-Tsina.


Salin: Jade 

Larawan: CCG

Pulido: Rhio