Inanunsyo Lunes, Oktubre 14, 2024 ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan ang sangsyon laban sa isang institusyon at dalawang may kinalamang indibiduwal mula sa rehiyong Taiwan.
Sinabi ni Chen Binhua, Tagapagsalita ng nasabing tanggapan na lantarang sinanay ng Kuma Academy ang “mga marahas na elemento ng pagsasarili ng Taiwan” at hayagang sumali sa mga separatistikong aktibidad, sa pamamagitan ng panayam, pagsasanay, at mga aktibidad sa pagitan ng mga anak at kanilang magulang.
Aniya, tinanggap ng nasabing akademiya ang suporta mula sa Democratic Progressive Party (DPP) ng Taiwan at puwersang panlabas, at nagsilbi itong “base ng mga separatista ng Taiwan.”
Samantala, pinatawan din ng sangsyon sina Puma Shen, tagapagtatag ng Kuma Academy, at Robert Tsao, tagasuportang pinansyal nito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio