Premyer Tsino’t punong ministrong Pakistano, nagtalakayan

2024-10-15 14:45:02  CMG
Share with:

Sa pagdalo, Oktubre 14, 2024 (lokal na oras) ni Premyer Li Qiang ng Tsina sa isang pulong kasama si Punong Ministro Shehbaz Sharif ng Pakistan, inihayag ng panig Tsino ang kahandaang pabilisin ang pagsulong ng malalaking proyekto sa mga larangan ng riles, kalsada, at mga daungan, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa mga sektor ng agrikultura, pagmimina, teknolohiya ng impormasyon, at enerhiya.

 

Ani Li, umaasa ang Tsina na patuloy na magbibigay ng magandang kapaligirang pang-negosyo ang Pakistan para sa mga kompanyang Tsino at sisiguruhin ang kaligtasan ng mga Tsino, mga institusyon, at mga proyektong Tsino sa Pakistan.

 

Sinabi naman ni Shehbaz Sharif, na matatag na sinusuportahan ng Pakistan ang posisyon ng Tsina sa mga isyung kinabibilangan ng Taiwan, Xizang, Xinjiang, Hong Kong, South China Sea, at iba pa.

 

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang dumalo ang dalawang lider sa seremonya ng pagpapalitan ng mga dokumentong pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng China-Pakistan Economic Corridor, tulong sa kabuhayan, agham at teknolohiya, radyo at telebisyon, at inspeksyon at kuwarantina.

 

Sa panahon ng pagbisita, magkasama ring inilabas ng dalawang panig ang "Magkasamang Pahayag ng People's Republic of China at Islamic Republic of Pakistan."


Sain: Yu Linrui

Pulido: Rhio